Add parallel Print Page Options

19 Ngunit sinabi ni Jacob, “Alam ko iyan, anak, alam ko. Alam kong magiging dakila si Manases, pati ang kanyang mga anak, ngunit lalong magiging dakila ang nakababata niyang kapatid. Ang kanyang lahi ay magiging dakilang mga bansa.”

20 Sinabi(A) pa niya ito:
“Ang mga Israelita, sa Diyos ay hihilingin,
    dahil kayo'y pinagpala, sila ma'y pagpalain din.
Sa kanilang kahilingan, ganito ang sasabihin:
    ‘Kayo nawa ay matulad kay Efraim at Manases.’”

Sa ganitong paraan ginawa ni Jacob na una si Efraim kay Manases.

21 Pagkatapos nito, sinabi ni Israel, “Jose, ako'y mamamatay na ngunit huwag kang mababahala. Sasamahan ka ng Diyos at kayo'y ibabalik niya sa lupain ng inyong mga ninuno.

Read full chapter