Add parallel Print Page Options

Naalala ko ang pagkamatay ng iyong ina. Galing kami noon sa Padan Aram at naglalakbay sa lupain ng Canaan. Malapit na kami noon sa Efrata nang mamatay siya, kaya inilibing ko na lang siya sa tabi ng daan na papunta sa Efrata. (Ang Efrata ang tinatawag ngayon na Betlehem.)”

Nang makita ni Israel[a] ang mga anak ni Jose, nagtanong siya, “Sino sila?”

Sumagot si Jose, “Sila po ang mga anak ko na ibinigay sa akin ng Dios dito sa Egipto.”

Kaya sinabi ni Israel, “Dalhin sila rito sa akin para mabasbasan ko sila.”

Read full chapter

Footnotes

  1. 48:8 Israel: na siya ring si Jacob.