Add parallel Print Page Options

At sinabi ni Jose sa kaniyang ama, (A)Sila'y aking mga anak, na silang mga ibinigay ng Dios sa akin dito. At kaniyang sinabi, Isinasamo ko sa iyo, na iyong dalhin sila rito sa akin, at (B)sila'y aking babasbasan.

10 (C)Ang mga mata nga ni Israel ay malabo na dahil sa katandaan, na ano pa't hindi na siya makakita. At kaniyang inilapit sila sa kaniya; at sila'y kaniyang hinagkan, at (D)niyakap.

11 At sinabi ni Israel kay Jose, (E)Hindi ko akalaing makita ang iyong mukha: at, narito, ipinakita sa akin ng Dios pati ng iyong binhi.

Read full chapter