Add parallel Print Page Options

12 Sa aba niya na nagtatayo ng bayan (A)sa pamamagitan ng dugo, at nagtatatag ng bayan sa pamamagitan ng kasamaan!

13 Narito, hindi baga dahil sa Panginoon ng mga hukbo na (B)ang mga tao ay nagsisigawa para sa apoy, at ang mga bansa ay nangagpapakapagod sa walang kabuluhan?

14 Sapagka't ang lupa ay mapupuno ng (C)kaalaman ng kaluwalhatian ng Panginoon, gaya ng pagtakip ng tubig sa dagat.

Read full chapter