Font Size
Habacuc 3:10-12
Ang Biblia (1978)
Habacuc 3:10-12
Ang Biblia (1978)
10 Ang mga bundok ay nangakakita sa iyo, at (A)nangatakot;
Ang unos ng tubig ay dumaan:
Inilakas ng kalaliman ang kaniyang tinig,
At itinaas ang kaniyang mga kamay sa itaas.
11 Ang araw at buwan ay (B)tumigil sa kanilang tahanan,
Sa liwanag ng iyong mga pana habang sila'y nagsisiyaon,
Sa kislap ng iyong makinang na sibat.
12 Ikaw ay lumakad sa mga lupain sa pagkagalit;
Iyong giniik ang mga bansa sa galit.
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978