Add parallel Print Page Options

12 Mapapahamak kayo! Nagtatag kayo ng lunsod sa pamamagitan ng kasamaan;
    itinayo ninyo ang bayan sa pamamagitan ng pagpatay.
13 Ang(A) mga sinakop ninyong bansa ay nagpakahirap sa walang kabuluhan,
    at lahat ng itinayo nila ay natupok sa apoy.
    Si Yahweh na Makapangyarihan sa lahat ang gumawa nito.
14 Subalit(B) ang buong mundo ay mapupuno
    ng mga taong kumikilala at dumadakila kay Yahweh,
    kung paanong ang karagatan ay napupuno ng tubig.

Read full chapter