Font Size
Habakuk 3:9-11
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Habakuk 3:9-11
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
8-9 “Panginoon, tulad kayo ng sundalong nakasakay sa karwahe na nagbibigay tagumpay sa labanan. Nakahanda na kayong pumana. Pero sino ang inyong kinapopootan? Ang mga ilog ba at ang mga dagat? Ang mga ilog ba at ang mga dagat? Pinabitak nʼyo ang lupa at lumabas ang tubig. 10 Ang mga bundok ay parang mga tao na nanginig nang makita nila kayo. Umulan nang malakas; umugong ang tubig sa dagat at lumaki ang mga alon. 11 Tumigil ang araw at ang buwan sa kanilang kinaroroonan sa kislap ng nagliliparan nʼyong pana at kumikinang nʼyong sibat.[a]
Read full chapterFootnotes
- 3:11 Ang ibig sabihin, natakpan ng ulap ang araw at ang buwan kaya hindi nadaig ng kanilang liwanag ang liwanag ng kidlat.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®