Font Size
Hagai 2:20-22
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Hagai 2:20-22
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ang Pangako ni Yahweh kay Zerubabel
20 Nang araw ding iyon, ikadalawampu't apat ng buwan, isa pang mensahe ang ibinigay ni Yahweh para kay Hagai 21 upang iparating kay Zerubabel na gobernador ng Juda, “Malapit ko nang yanigin ang langit at ang lupa, 22 pati na ang mga kaharian; wawakasan ko na ang kapangyarihan ng mga ito. Sisirain ko na ang kanilang mga karwahe at papaslangin ang mga nakasakay doon. Mamamatay din ang mga kabayo at magpapatayan ang mga mangangabayo.
Read full chapter