Add parallel Print Page Options

12 Kaya mula kay Abraham, na wala nang pag-asang magkaanak pa,[a] nagmula ang isang lahi na kasindami ng mga bituin sa langit at buhangin sa dalampasigan.

13 Ang lahat ng taong itoʼy namatay na sumasampalataya. Hindi man nila natanggap ang mga pangako ng Dios noong nabubuhay pa sila, natitiyak naman nilang darating ang araw na matatanggap nila ang kanilang hinihintay. Itinuring nilang mga dayuhan ang sarili nila at naninirahan lang sa mundong ito. 14 Ang mga taong may ganitong pananaw ay nagpapahiwatig na naghahanap sila ng sariling bayan.

Read full chapter

Footnotes

  1. 11:12 wala nang pag-asang magkaanak pa: sa literal, halos patay na.