Add parallel Print Page Options

27 Nang gamitin niya ang katagang, minsan na lang, ang ibig niyang sabihin ay aalisin niya ang lahat ng bagay na mayayanig, na ang mga ito ay ang mga bagay na ginawa, upang ang mga bagay na hindi mayayanig ay manatili.

28 Tinanggap natin ang isang paghahari na walang makaka­yanig. Kaya nga, tayo nawa ay magkaroon ng biyaya na sa pamamagitan nito, tayo ay maghahandog ng paglilingkod na kalugud-lugod sa Diyos, na may banal na paggalang at pagkatakot. 29 Sapagkat ang ating Diyos ay isang apoy na tumutupok.

Read full chapter