Add parallel Print Page Options

Yamang siya rin naman ay napapaligiran ng kahinaan, maaari siyang makitungo nang mahinahon sa mga mangmang at sa mga naliligaw. Dahil dito, kailangan niyang maghandog ng mga handog para sa kasalanan. Kung papaanong siya ay naghandog para sa mga tao, gayundin naman ay maghandog siya para sa kaniyang sarili.

Walang sinumang nag-angkin ng karangalang ito para sa kaniyang sarili, kundi siya na tinawag ng Diyos tulad ng kaniyang pagkatawag kay Aaron.

Read full chapter