Add parallel Print Page Options

Noong namumuhay pa si Jesus sa mundong ito, umiiyak siyang nananalangin at nagmamakaawa sa Dios na makapagliligtas sa kanya sa kamatayan. At dininig naman siya dahil lubos siyang naging masunurin. At kahit Anak siya mismo ng Dios, natutunan niya ang pagiging masunurin sa pamamagitan ng mga pagtitiis na dinanas niya. Naging ganap siya at pinagmulan ng walang hanggang kaligtasan[a] ng lahat ng sumusunod sa kanya.

Read full chapter

Footnotes

  1. 5:9 walang hanggang kaligtasan: Ang ibig sabihin, pinalaya sila magpakailanman sa kaparusahan ng mga kasalanan nila.