Font Size
Hebreo 9:2-4
Ang Salita ng Diyos
Hebreo 9:2-4
Ang Salita ng Diyos
2 Ito ay sapagkat ang mga tao ay nagtayo ng isang tabernakulo. Tinawag nila ang unang silid na banal na dako. Dito nila inilalagay ang lagayan ng ilawan, ang mesa at ang tinapay na inilagay sa harap ng Diyos. 3 At sa likuran ng ikalawang tabing ay isang silid na tinatawag nilang kabanal-banalang dako. 4 Ito ay mayroong isang ginintuang dambana ng kamangyang at kaban ng tipan na ang bawat bahagi ay binalot ng ginto. Naglalaman ito ng sisidlang ginto na may lamang mana, ang tungkod ni Aaron na umusbong at ang tapyas ng bato ng tipan.
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International