Add parallel Print Page Options

Ngunit ang pinaka­punong-saserdote lang ang pumapasok sa ikalawang silid minsan lang sa isang taon at lagi siyang may dalang dugo. Inihahandog niya ang dugo para sa kaniyang sarili at para sa mga nagawang kasalanan ng mga tao na hindi nila nalalaman. Ito ang ipinakikita ng Banal na Espiritu: Habang ang unang tabernakulo ay naroroon pa, hindi pa binubuksan ng Diyos ang daang patungo sa kabanal-banalang dako. Ito ay pagsasa­larawan para sa kasalu­kuyang panahon kung saan ang mga kaloob at mga hain na kanilang inihandog ay hindi makaka­paglinis ng budhi ng sumasamba.

Read full chapter