Add parallel Print Page Options

Pero kaaawaan ko ang mga mamamayan ng Juda. Ako, ang Panginoon nilang Dios, ang magliligtas sa kanila sa pamamagitan ng kapangyarihan ko at hindi sa pamamagitan ng digmaan – ng pana, espada, mga kabayo o mangangabayo.”

Nang maawat na ni Gomer si Lo Ruhama sa pagsuso, nabuntis ulit siya at nanganak ng lalaki. Sinabi ng Panginoon kay Hoseas, “Lo Ami[a] ang ipangalan mo sa bata, dahil ang mga mamamayan ng Israel ay hindi ko na mga mamamayan at ako ay hindi na nila Dios.

Read full chapter

Footnotes

  1. 1:9 Lo Ami: Ang ibig sabihin, hindi ko mga mamamayan.