Font Size
Hosea 1:7-9
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Hosea 1:7-9
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
7 Ngunit kahahabagan ko ang sambahayan ni Juda. Ililigtas ko sila, subalit hindi sa pamamagitan ng pana, tabak, digmaan, mga kabayo, ni ng mga mangangabayo man, kundi sa pamamagitan ng sarili kong kapangyarihan.”
8 Nang si Lo-ruhama ay mahiwalay na sa pagpapasuso ng ina, naglihi muli si Gomer at nagsilang ng isang lalaki. 9 At sinabi ni Yahweh, “Tawagin mo siyang Lo-ammi,[a] sapagkat ang Israel ay hindi ko na ituturing na aking bayan at hindi na ako ang kanilang Diyos.”
Read full chapterFootnotes
- 9 LO-AMMI: Sa wikang Hebreo, ang kahulugan ng salitang ito'y “hindi ko bayan”.