Add parallel Print Page Options

Puro salita lang sila[a] pero hindi naman nila tinutupad. Nanunumpa sila ng kasinungalingan at gumagawa ng kasunduan na hindi naman nila tinutupad. Kaya ang katarungan ay parang nakakalasong damo na tumutubo sa binungkal na lupain.

“Matatakot ang mga mamamayan ng Samaria dahil mawawala ang mga dios-diosang guya sa Bet Aven. Sila at ang kanilang mga pari na nagagalak sa kagandahan ng mga dios-diosan nila ay iiyak dahil kukunin iyon sa kanila at dadalhin sa Asiria at ireregalo sa dakilang hari roon. Mapapahiya ang Israel[b] sa kanyang pagtitiwala sa mga dios-diosan.[c]

Read full chapter

Footnotes

  1. 10:4 sila: Ang mga dating hari o ang mga tao.
  2. 10:6 Israel: sa Hebreo, Efraim. Isa ito sa mga lahi sa kaharian ng Israel, pero sa aklat na ito ang tinutukoy ay ang buong kaharian ng Israel.
  3. 10:6 sa kanyang … dios-diosan: o, sa payong sinunod niya.