Font Size
Hosea 12:11-13
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Hosea 12:11-13
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
11 Laganap sa Gilead ang pagsamba sa diyus-diyosan,
at lahat ng sumasamba rito'y nakalaang mamatay.
Naghahandog sa mga diyus-diyosang toro ang mga taga-Gilgal,
at ang mga altar nila'y mawawasak
magiging mga bunton ng bato sa gitna ng kabukiran.”
12 Tumakas(A) si Jacob papuntang Aram,
at doo'y nakatagpo ng mapapangasawa.
Nagpastol siya roon ng mga tupa
upang makamtan ang kamay ng isang dalaga.
13 Inilabas(B) ni Yahweh ang Israel sa Egipto sa pamamagitan ng isang propeta.
At sa pamamagitan din ng propetang ito ay pinangalagaan niya ang Israel.