Add parallel Print Page Options

Hanggang ngayon, kayo na tinatawag na Efraim[a] ay patuloy pa rin sa paggawa ng kasalanan.[b] Gumagawa kayo ng mga dios-diosan mula sa inyong mga pilak upang sambahin. Pero ang lahat ng ito ay gawa lamang ng tao at ayon lang sa kanyang naisip. Sinasabi pa ninyo na maghahandog kayo ng tao sa mga dios-diosang baka at hahalik sa mga ito. Kaya mawawala kayo gaya ng ulap sa umaga o hamog, o gaya ng ipa sa giikan na tinatangay ng hangin o ng usok na lumalabas sa tsimeneya.

“Ako ang Panginoon na inyong Dios na naglabas sa inyo sa Egipto.[c] Wala kayong kikilalaning Dios at Tagapagligtas maliban sa akin.

Read full chapter

Footnotes

  1. 13:2 Efraim: Ang ibig sabihin, mga taga-Israel.
  2. 13:2 patuloy … kasalanan: o, lalo pa ninyong pinatindi ang paggawa ng kasalanan.
  3. 13:4 na naglabas … sa Egipto: o, mula pa noong nandoon kayo sa Egipto.