Font Size
Hosea 2:9-11
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Hosea 2:9-11
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
9 Kaya pagdating ng tag-ani ay babawiin ko ang mga butil at ang bagong katas ng ubas na aking ibinigay. Babawiin ko rin ang mga telang lana at linen na ibinigay ko na sanaʼy pantakip sa kanyang kahubaran. 10 At ngayon, ilalantad ko ang kanyang kahalayan sa harap ng kanyang mga lalaki, at walang makapagliligtas sa kanya mula sa aking mga kamay. 11 Wawakasan ko na ang lahat ng espesyal na araw ng pagsamba na ginagawa niya taun-taon, buwan-buwan, at linggu-linggo.[a]
Read full chapterFootnotes
- 2:11 buwan-buwan, at linggu-linggo: sa literal, Pista ng Pagsisimula ng Buwan at Araw ng Pamamahinga.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®