Add parallel Print Page Options

10 Kumakain nga kayo pero hindi kayo nabubusog. Sumasamba kayo sa mga dios-diosan[a] para magkaanak kayo. Pero hindi kayo magkakaanak dahil itinakwil ninyo ako 11 upang sumamba sa mga dios-diosan.

Isinusumpa ng Dios ang Pagsamba sa mga Dios-diosan

“Mga mamamayan ko, ang bago at lumang alak ay nakakasira ng inyong pang-unawa. 12 Sumasangguni kayo sa dios-diosang kahoy, at ayon na rin sa inyo, sumasagot ito. Iniligaw kayo ng mga espiritung tumutulak sa inyo para sumamba sa mga dios-diosan, kaya tinalikuran ninyo ako tulad ng babaeng nangalunya.

Read full chapter

Footnotes

  1. 4:10 Sumasamba kayo sa mga dios-diosan: sa literal, Nangangalunya kayo. Ganito ang ginagawa ni Gomer na asawa ni Hoseas. At itong si Gomer ay kumakatawan sa bansang Israel.