Add parallel Print Page Options

Nagrerebelde kayo sa akin at gusto ninyong pumatay, kaya didisiplinahin ko kayong lahat. Alam ko ang lahat ng tungkol sa inyo na mga taga-Israel.[a] Wala kayong maililihim sa akin. Sumasamba kayo sa mga dios-diosan[b] kaya naging marumi kayo.

“Ang inyong masasamang gawain ang pumipigil sa inyo upang magbalik-loob sa akin na inyong Dios. Sapagkat nasa puso ninyo ang espiritung nag-uudyok sa inyo para sumamba sa mga dios-diosan, at hindi ninyo ako kinikilalang Panginoon.

Read full chapter

Footnotes

  1. 5:3 Israel: sa Hebreo, Efraim. Makikita rin ang salitang Efraim sa talatang 5, 9, 11-14 sa Hebreo. Tingnan ang “footnote” sa 4:17.
  2. 5:3 Sumasamba kayo sa mga dios-diosan: sa literal, Nangangalunya kayo.