Hosea 9:3-5
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
3 Lilisanin ninyo ang Israel, ang lupain ng Panginoon, at babalik kayo[a] sa Egipto, at ang iba sa inyo ay pupunta sa Asiria, at doon ay kakain kayo ng mga pagkaing itinuturing ninyong marumi. 4 Hindi na kayo papayagang maghandog ng inumin sa Panginoon. Maghandog man kayo ng mga handog ay hindi rin siya malulugod. At ang sinumang kumain ng mga handog na iyan ay ituturing na marumi dahil katulad ito ng pagkain sa bahay ng namatayan.[b] Ang inyong mga pagkain ay para lamang sa inyong sarili at hindi maaaring ihandog sa templo ng Panginoon. 5 Kung ganoon, ano ngayon ang inyong gagawin kapag dumating ang mga espesyal na araw ng pagsamba o mga pista upang parangalan ang Panginoon?
Read full chapterFootnotes
- 9:3 kayo: sa Hebreo, Efraim. Makikita rin ang salitang Efraim sa Hebreo sa talatang 8, 11, 13 at 16. Tingnan ang “footnote” sa 4:17.
- 9:4 At ang sinumang … namatayan: Ang pagkain sa bahay ng namatayan ay itinuturing na marumi ng mga Israelita. Sapagkat ang lugar na kinaroroonan ng patay ay naging marumi, at ang lahat na naroroon ay itinuturing ding marumi. Tingnan sa Bil. 19:14.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®