Add parallel Print Page Options

Ibabalik ang Israel

10 Gayunma'y(A) ang bilang ng mga anak ni Israel ay magiging parang buhangin sa dagat na hindi masusukat, o mabibilang man; at sa dakong sinabi sa kanila, “Kayo'y hindi aking bayan,” ay sasabihin sa kanila, “Kayo'y mga anak ng Diyos na buháy.”

11 Ang mga anak ni Juda, at ang mga anak ni Israel ay magkakasama-sama at sila'y maghahalal sa kanilang sarili ng isang pinuno, at sila'y magsisisampa mula sa lupain; sapagkat magiging dakila ang araw ng Jezreel.

Read full chapter