Font Size
Hoseas 1:7-9
Ang Biblia, 2001
Hoseas 1:7-9
Ang Biblia, 2001
7 Ngunit ako'y maaawa sa sambahayan ni Juda, at ililigtas ko sila sa pamamagitan ng Panginoon nilang Diyos. Hindi ko sila ililigtas sa pamamagitan ng busog, o sa pamamagitan man ng tabak, o sa pamamagitan man ng digmaan, o sa pamamagitan man ng mga kabayo, o sa pamamagitan man ng mga mangangabayo.”
8 Nang maihiwalay niya sa pagsuso si Lo-ruhama, siya'y naglihi at nanganak ng isang lalaki.
9 At sinabi ng Panginoon, “Tawagin mo ang kanyang pangalan na Lo-ammi;[a] sapagkat kayo'y hindi ko bayan, at ako'y hindi ninyo Diyos.”
Read full chapterFootnotes
- Hoseas 1:9 o Di ko bayan .