Add parallel Print Page Options

Dadalhin mismo ang bagay na iyon sa Asiria,
    bilang kaloob sa Haring Jareb.
Ang Efraim ay ilalagay sa kahihiyan,
    at ikahihiya ng Israel ang kanyang sariling payo.

Ang hari ng Samaria ay mapapahamak,
    na parang bula sa ibabaw ng tubig.
Ang(A) matataas na dako ng Aven, ang kasalanan ng Israel
    ay mawawasak.
Ang mga tinik at mga dawag ay tutubo
    sa kanilang mga dambana;
    at sasabihin nila sa mga bundok, Takpan ninyo kami;
    at sa mga burol, Mahulog kayo sa amin.

Read full chapter