Add parallel Print Page Options

11 Sa Gilead ba'y may kasamaan?
    Sila'y pawang walang kabuluhan.
Sa Gilgal ay naghahandog sila ng mga toro;
    ang kanilang mga dambana ay parang mga bunton
    sa mga lupang binungkal sa bukid.
12 Si(A) Jacob ay tumakas patungo sa lupain ng Aram,
    at doon ay naglingkod si Israel dahil sa isang asawa,
at dahil sa isang asawa ay nag-alaga siya ng mga tupa.
13 Sa(B) pamamagitan ng isang propeta ay iniahon ng Panginoon ang Israel mula sa Ehipto,
    at sa pamamagitan ng isang propeta, siya'y napangalagaan.

Read full chapter