Add parallel Print Page Options

Makipagtalo kayo sa inyong ina, makipagtalo kayo;
    sapagkat siya'y hindi ko asawa,
    at ako ay hindi niya asawa;
na alisin niya ang kanyang pagiging bayarang babae[a] sa kanyang mukha,
    at ang kanyang pangangalunya sa pagitan ng kanyang mga suso.
Kung hindi'y huhubaran ko siya,
    at ilalantad ko siya na gaya nang araw na siya'y ipanganak,
at gagawin ko siyang parang isang ilang,
    at gagawin ko siyang parang isang tigang na lupa,
    at papatayin ko siya sa uhaw.
Sa kanyang mga anak ay hindi rin ako mahahabag;
    sapagkat sila'y mga anak sa pagiging bayarang babae.

Read full chapter

Footnotes

  1. Hoseas 2:2 o babaing nagbibili ng panandaliang aliw .