Font Size
Hukom 19:1-3
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Hukom 19:1-3
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Ang Levita at ang Kanyang Asawang Alipin
19 Nang panahong iyon na wala pang hari ang Israel, may isang Levita[a] na nakatira sa malayong bahagi ng kabundukan ng Efraim. Ang Levitang ito ay nakapag-asawa ng isang alipin na taga-Betlehem sa Juda. 2 Pero ang babaeng ito ay nagtaksil sa kanyang asawa at umuwi sa bahay ng magulang niya sa Betlehem. Pagkalipas ng apat na buwan, 3 nagdesisyon ang Levita na sunduin ang asawa niya at kumbinsihing magsama silang muli. Kaya umalis siya kasama ang isa niyang utusan at dalawang asno. Pagdating niya roon, pinatuloy siya ng babae. Nang makita siya ng ama ng babae, malugod siyang tinanggap.
Read full chapterFootnotes
- 19:1 Levita: o, lahi ni Levi.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®