Add parallel Print Page Options

Manangis(A) kayo, sapagkat ang araw ng Panginoon ay malapit na;
    ito'y darating na gaya ng pagkawasak mula sa Makapangyarihan sa lahat!
Kaya't lahat ng kamay ay manghihina,
    at bawat puso ng tao ay manlulumo,
    at sila'y mababalisa.
Mga pagdaramdam at mga kapanglawan ang daranasin nila;
    sila'y maghihirap na gaya ng babaing nanganganak.
Sila'y magtitinginan na nanghihilakbot
    ang kanilang mga mukha ay magliliyab.

Read full chapter