Add parallel Print Page Options

Manangis(A) kayo sapagkat malapit na ang araw ni Yahweh,
    darating na ang araw ng pangwawasak ng Diyos na Makapangyarihan.
Sa araw na iyon, manghihina ang lahat ng kamay.
    Manlulupaypay ang lahat ng tao,
    ang lahat ng tao'y masisindak,
at manginginig sa takot,
    makadarama sila ng paghihirap, tulad ng isang babaing manganganak.
Matatakot sila sa isa't isa;
    mamumula ang kanilang mukha dahil sa kahihiyan.

Read full chapter