Font Size
Isaias 14:28-30
Ang Biblia, 2001
Isaias 14:28-30
Ang Biblia, 2001
Babala Laban sa mga Filisteo
28 Dumating(A) ang pahayag na ito nang taong mamatay si Haring Ahaz.
29 “Ikaw(B) ay huwag magalak, O Filistia, kayong lahat,
sa pagkabali ng pamalo na sumakit sa iyo;
sapagkat sa ahas ay lalabas ang ulupong,
at ang kanyang anak ay magiging mabangis na ahas na lumilipad.
30 At ang panganay ng dukha ay kakain,
at ang nangangailangan ay nahihigang tiwasay;
ngunit aking papatayin ng taggutom ang iyong ugat,
at ang nalabi sa iyo ay aking papatayin.