Add parallel Print Page Options

Natahimik din sa wakas ang buong lupa,
    at ang mga tao'y nag-aawitan sa tuwa.
Tuwang-tuwa ang mga sipres
    at ang mga sedar ng Lebanon dahil sa nangyari sa hari.
Sinasabi nila: ‘Ngayong ikaw ay wala na,
    wala na ring puputol sa amin.’
Ang daigdig ng mga patay ay abala sa iyong pagdating;
    ito'y naghahanda upang ikaw ay salubungin;
ginising niya ang mga kaluluwa upang batiin ka,
    ng mga dating makapangyarihan sa daigdig.
Pinatayo niya mula sa kanilang trono
    ang hari ng mga bansa.

Read full chapter