Add parallel Print Page Options

Siya'y umahon sa Bayith, at sa (A)Dibon, sa mga mataas na dako, upang umiyak: ang Moab ay umaangal sa (B)Nebo, at sa (C)Medeba: (D)lahat nilang ulo ay kalbo, bawa't balbas ay gupit.

Sa kanilang mga lansangan ay nangagbibigkis sila ng kayong magaspang: sa kanilang mga bubungan, at sa kanilang mga luwal na dako, umaangal ang bawa't isa, na umiiyak ng di kawasa.

At ang Hesbon ay humihiyaw, (E)at ang Eleale; ang kanilang tinig ay naririnig hanggang sa (F)Jahas: kaya't ang mga lalaking nangasasakbatan sa Moab ay nagsihiyaw ng malakas; ang kaniyang kalooban ay nagugulumihanan.

Read full chapter