Font Size
Isaias 17:6-8
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Isaias 17:6-8
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
6 Ilang tao lamang ang matitira sa lahi ng Israel,
matutulad siya sa puno ng olibo na pinitas ang lahat ng mga bunga,
at walang natira kundi dalawa o tatlong bunga
sa pinakamataas na sanga,
apat o limang bunga
sa mga sangang dati'y maraming magbunga.”
Ito ang sabi ni Yahweh, ang Diyos ng Israel.
7 Sa araw na iyon lalapit ang mga tao sa Lumikha sa kanila, sa Banal na Diyos ng Israel. 8 Hindi na nila papansinin ang mga altar na sila na rin ang gumawa. Hindi na sila magtitiwala sa mga diyus-diyosang Ashera o sa mga altar na sunugan ng insenso na inanyuan ng kanilang mga kamay.
Read full chapter