Font Size
Isaias 17:7-9
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Isaias 17:7-9
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
7 Sa araw na iyon, lalapit na ang mga tao sa lumikha sa kanila, sa Banal na Dios ng Israel. 8 Hindi na nila papansinin ang mga altar na sila mismo ang gumawa. Hindi na rin nila papansinin ang mga posteng simbolo ng diosang si Ashera, pati ang mga altar na pinagsusunugan nila ng insenso na gawa rin lang ng kanilang mga kamay. 9 Sa araw na iyon, ang matitibay nilang lungsod ay mawawasak at iiwan na lang nila, katulad ng mga lungsod ng mga Amoreo at Hiveo[a] na iniwan ng mga ito nang dumating ang mga Israelita.
Read full chapterFootnotes
- 17:9 mga lungsod ng mga Amoreo at Hiveo: Ito ang nasa Septuagint. Sa Hebreo, sa kakahuyan at kasukalan.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®