Add parallel Print Page Options

Hindi na nila papansinin ang mga altar na sila mismo ang gumawa. Hindi na rin nila papansinin ang mga posteng simbolo ng diosang si Ashera, pati ang mga altar na pinagsusunugan nila ng insenso na gawa rin lang ng kanilang mga kamay. Sa araw na iyon, ang matitibay nilang lungsod ay mawawasak at iiwan na lang nila, katulad ng mga lungsod ng mga Amoreo at Hiveo[a] na iniwan ng mga ito nang dumating ang mga Israelita.

10 Kinalimutan ninyo ang Dios na inyong Tagapagligtas at Bato na kanlungan. Kaya kahit na magtanim kayo ng magagandang klaseng tanim, katulad ng ubas na galing sa ibang lugar,

Read full chapter

Footnotes

  1. 17:9 mga lungsod ng mga Amoreo at Hiveo: Ito ang nasa Septuagint. Sa Hebreo, sa kakahuyan at kasukalan.