Font Size
Isaias 17:8-10
Magandang Balita Biblia
Isaias 17:8-10
Magandang Balita Biblia
8 Hindi na nila papansinin ang mga altar na sila na rin ang gumawa. Hindi na sila magtitiwala sa mga diyus-diyosang Ashera o sa mga altar na sunugan ng insenso na inanyuan ng kanilang mga kamay. 9 Sa araw na iyon, iiwan ng mga tao ang iyong mga lunsod. Tulad ng nangyari sa mga lunsod ng mga Hivita at Amoreo[a] noong dumating ang mga Israelita.
10 Kinalimutan ninyo ang Diyos na nagligtas sa inyo,
at hindi na ninyo naaalaala ang Bato na inyong kanlungan,
sa halip, gumawa kayo ng mga sagradong hardin
na itinalaga ninyo sa isang diyus-diyosan,
sa paniniwalang pagpapalain niya kayo.
Footnotes
- Isaias 17:9 mga Hivita at Amoreo: Sa ibang manuskrito'y makahoy at maburol na bukirin .
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.