Add parallel Print Page Options

11 Ang mga pangulo sa (A)Zoan ay lubos na mangmang; ang payo ng mga pinakapantas at kasangguni ni Faraon ay naging tampalasan: paanong masasabi ninyo kay Faraon, Ako'y anak ng pantas, anak ng mga dating hari?

12 Saan nangaroon nga (B)ang iyong mga pantas? at sasabihin nila sa iyo ngayon; at alamin nila kung ano ang pinanukala ng Panginoon ng mga hukbo tungkol sa Egipto.

13 Ang mga pangulo sa Zoan ay naging mga mangmang, ang mga pangulo sa Nof ay (C)nangadaya; kanilang iniligaw ang Egipto, na siyang panulok na bato ng kaniyang mga lipi.

Read full chapter