Add parallel Print Page Options

13 Tingnan ninyo ang lupain ng mga taga-Babilonia.[a] Nasaan na ang mga mamamayan nito? Sinalakay ito ng Asiria at winasak ang matitibay na bahagi nito. Pinabayaan itong giba at naging tirahan ng maiilap na hayop. 14 Umiyak kayo, kayong mga nagbibiyahe sa Tarshish, dahil nawasak na ang lungsod na pinupuntahan ninyo. 15 Ang Tyre ay makakalimutan sa loob ng 70 taon, kasintagal ng buhay ng isang hari. Pero pagkatapos ng panahong iyon, matutulad siya sa isang babaeng bayaran sa awiting ito: “Babaeng bayaran, ikaw ay nalimutan na.

Read full chapter

Footnotes

  1. 23:13 taga-Babilonia: sa literal, Caldeo. Isa ito sa tawag sa mga taga-Babilonia.