Add parallel Print Page Options

At kaniyang aalisin sa bundok na ito ang takip na nalagay sa lahat ng mga bayan, at (A)ang lambong na naladlad sa lahat na bansa.

Sinakmal niya ang kamatayan (B)magpakailan man; at (C)papahirin ng Panginoong Dios ang mga luha sa lahat ng mga mukha; at ang kakutyaan ng kaniyang bayan ay maaalis sa buong lupa: sapagka't sinalita ng Panginoon.

At sasabihin (D)sa araw na yaon, Narito, ito'y ating Dios; hinintay natin (E)siya, at ililigtas niya tayo: ito ang Panginoon; ating hinintay siya, (F)tayo'y matutuwa at magagalak sa kaniyang pagliligtas.

Read full chapter