Isaias 27:9-11
Ang Biblia (1978)
9 Kaya't sa pamamagitan nito ay malilinis ang kasamaan ng Jacob, at ito ang buong bunga ng pagaalis ng kaniyang kasalanan: pagka kaniyang ginagawa ang mga bato ng dambana na gaya ng mga malambot na batong naluluray upang (A)ang mga Asera at ang mga larawang araw ay hindi na matatayo.
10 Sapagka't ang bayang nakukutaan ay nagiisa, isang tahanang (B)pinabayaan at iniwanan gaya ng ilang: doon manginginain ang guya, at doon hihiga, at kakainin ang mga sanga niyaon.
11 Pagka ang mga sanga niyaon ay nangatuyo, babaliin; paroroonan ng mga babae at igagatong sa apoy: (C)sapagka't bayan na walang unawa; kaya't ang gumawa (D)sa kanila ay hindi magdadalang habag sa kanila, at ang naganyo sa kanila ay hindi magpapakita sa kanila ng lingap.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978