Font Size
Isaias 29:22-24
Ang Biblia (1978)
Isaias 29:22-24
Ang Biblia (1978)
22 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, na siyang tumubos kay Abraham, tungkol sa sangbahayan ni Jacob, Si Jacob nga ay hindi mapapahiya o mamumula pa man ang kaniyang mukha.
23 Nguni't pagka kaniyang nakikita ang kaniyang mga anak, (A)ang gawa ng aking mga kamay, sa gitna niya, ay (B)kanilang aariing banal ang aking pangalan; oo, kanilang aariing banal ang Banal ni Jacob, at magsisitayong may takot sa (C)Dios ng Israel.
24 Sila namang nangamamali sa diwa ay darating sa pagkaunawa, at silang mga mapag-upasala ay mangatututo ng aral.
Read full chapter
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978