Add parallel Print Page Options

Sinumpa ang hangal na babae.

16 Bukod dito'y sinabi ng Panginoon, (A)Sapagka't ang mga anak na babae ng Sion ay mga mapagmataas, at nagsisilakad na mga may kapalaluan at mga matang nakairap, na nagsisilakad at nagsisikendeng habang nagsisiyaon, at nagpapakalatis ng kanilang mga paa:

17 Kaya't papaglalangibin ng Panginoon ang bao ng ulo ng mga anak na babae ng Sion, at huhubdan ng Panginoon ang kanilang mga lihim na bahagi.

18 (B)Sa araw na yaon ay aalisin ng Panginoon ang kagayakan ng kanilang mga hiyas ng paa, at (C)ang mga hiyas ng ulo, at ang mga pahiyas na may anyong kalahating buwan;

Read full chapter