Font Size
Isaias 30:25-27
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Isaias 30:25-27
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
25 Mula sa matataas ninyong mga bundok at burol, aagos ang mga batis, pagdating ng panahon ng kakila-kilabot na pagpuksa at pagwasak sa mga tore. 26 Magliliwanag ang buwan na animo'y araw, at ang araw nama'y magliliwanag nang pitong ibayo, parang liwanag ng pitong araw na pinagsama-sama. Ito'y mangyayari sa araw na gamutin at pagalingin ni Yahweh ang sugat ng kanyang bayan.
Paparusahan ng Diyos ang Asiria
27 Tingnan ninyo, dumarating na si Yahweh,
nag-aapoy sa galit, sa gitna ng mga ulap;
ang mga labi niya'y nanginginig sa galit,
at ang dila niya'y tila apoy na nagliliyab.