Font Size
Isaias 31:6-8
Ang Biblia, 2001
Isaias 31:6-8
Ang Biblia, 2001
6 Kayo'y manumbalik sa kanya na inyong pinaghimagsikang lubha, O mga anak ni Israel.
7 Sapagkat sa araw na iyon ay itatapon ng bawat tao ang kanyang mga diyus-diyosang pilak, at ang kanyang mga diyus-diyosang ginto, na ginawa ng inyong mga kamay na para sa inyo ay naging kasalanan.
8 “Kung magkagayo'y mabubuwal ang taga-Asiria sa pamamagitan ng tabak, hindi sa tao;
at ang tabak, na hindi sa mga tao, ang lalamon sa kanya;
at kanyang tatakasan ang tabak,
at ang kanyang mga binata ay ilalagay sa sapilitang paggawa.