Font Size
Isaias 33:11-13
Magandang Balita Biblia
Isaias 33:11-13
Magandang Balita Biblia
11 Walang kabuluhan ang mga plano ninyo, at ang mga gawa ninyo ay walang halaga;
dahil sa aking poot tutupukin kayo ng aking espiritu.[a]
12 Madudurog kayong tulad ng mga batong sinunog para gawing apog.
Kayo'y magiging abo, na parang tinik na sinunog.
13 Kayong mga nasa malayo, pakinggan ninyo ang ginawa ko;
kayong mga nasa malapit, kilalanin ninyo ang kapangyarihan ko.
Footnotes
- Isaias 33:11 tutupukin…espiritu: Sa ibang manuskrito'y wala kayong winawasak kundi ang sarili ninyo .
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.