Add parallel Print Page Options

Ang tuyong lupa'y parang nagluluksa,
    ang kagubatan ng Lebanon ay nalalanta;
naging parang disyerto na ang magandang lupain ng Sharon;
    gayundin ang Bundok ng Carmel at ang Bashan.

10 “Kikilos ako ngayon,” ang sabi ni Yahweh sa mga bansa,
    “At ipapakita ko ang aking kapangyarihan.”
11 Walang kabuluhan ang mga plano ninyo, at ang mga gawa ninyo ay walang halaga;
    dahil sa aking poot tutupukin kayo ng aking espiritu.[a]

Read full chapter

Footnotes

  1. Isaias 33:11 tutupukin…espiritu: Sa ibang manuskrito'y wala kayong winawasak kundi ang sarili ninyo .