Add parallel Print Page Options

23 Sino ba ang hinahamak at nilalapastangan mo? Sino ang pinagtataasan mo ng boses at pinagyayabangan mo? Hindi baʼt ako, ang Banal na Dios ng Israel? 24 Kinutya mo ako sa pamamagitan ng iyong mga sugo. Sinabi mo pa, ‘Sa pamamagitan ng aking maraming karwahe naakyat ko ang matataas na mga bundok pati ang tuktok ng bundok ng Lebanon. Pinutol ko ang pinakamataas na mga puno ng sedro at natatanging sipres[a] nito. Nakarating ako sa tuktok na may makapal na kagubatan. 25 Naghukay ako ng balon sa ibang mga lugar[b] at uminom ng tubig mula rito. Sa pagdaan ko, natuyo ang mga sapa sa Egipto.’

Read full chapter

Footnotes

  1. 37:24 sipres: o, pine tree.
  2. 37:25 sa ibang mga lugar: Ito ang nasa Dead Sea Scrolls, pero wala sa tekstong Masoretic.