Font Size
Isaias 40:15-17
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Isaias 40:15-17
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
15 Sa(A) harap ni Yahweh ang mga bansa ay walang kabuluhan,
tulad lang ng isang patak ng tubig sa isang sisidlan;
at ang mga pulo ay parang alikabok lamang ang timbang.
16 Hindi sapat na panggatong ang lahat ng kahoy sa Lebanon.
Kulang pang panghandog ang lahat ng hayop sa gubat roon.
17 Sa kanyang harapan, ay walang halaga ang lahat ng bansa.